^

Bansa

Diokno naghain ng legal remedy para sa Palawan, Zambales fishermen

James Relativo - Philstar.com
Diokno naghain ng legal remedy para sa Palawan, Zambales fishermen
Ang Writ of Kalikasan ay isang legal remedy na hinihingi upang itaguyod ang karapatan ng mamamayan sa malusog na kapaligiran.
Twitter/Chel Diokno

MANILA, Philippines — Naghain ng Writ of Kalikasan at Writ of Continuing Mandamus sa Korte Suprema si Otso Diretso senatorial bet Chel Diokno para itaguyod ang kapakanan ng mga mangingisda sa Palawan at Zambales, Martes.

Ang Writ of Kalikasan ay isang legal remedy na hinihingi upang itaguyod ang karapatan ng mamamayan sa malusog na kapaligiran.

Ang Writ of Continuing Mandamus naman ay ginagamit para iobliga ang gobyernong gumawa ng aksyon na hinihingi ng batas.

"Ito pong petisyon na ito ay kakaiba, kasi ang gusto sana namin ay [utusan] ng Korte Suprema ang Philippine National Police, PNP Maritime Group, ang Coast Guard, ang Philippine Navy, ang Department of Agriculture, ang... Bureau of Fisheries, at Department of Environment and Natural Resources... na ipatupad nila sa West Philippine Sea ang ating mga batas kalikasan," ani Diokno.

Isa sa mga ginamit na argumento ng Pilipinas sa arbitral tribunal sa The Hague, Netherlands ang pagkakapinsala ng Tsina sa regional marine environment sa South China Sea, kabilang ang mga lugar na nasa loob ng exclusive economic zone ng 'Pinas.

Gumagawa kasi ang Beijing ng mga artipisyal na isla sa West Philippine Sea at nangingisda roon dahilan para masira ang mga bahura.

Una nang naiulat na sinimulan na ng Tsina ang restoration ng mga napinsalang reefs sa Fiery Cross, Mischief at Subi Reefs, mga lugar na okupado ng Tsina ngunit inaangkin din ng Pilipinas. 

"Ang batayan nitong kasong ito ay mismo yung Arbitral Decision na doon nakalagay na talagang walang humpay ang paninira sa ating kalikasan diyan sa West Philippine Sea ng mga barko ng Tsina," dagdag niya.

Ginamit din daw na batayan nina Diokno ang Republic Act 9522 kung saan nakalagay na teritoryo ng Pilipinas ang West Philippine Sea.

Maliban rito, ginamit din nila ang Presidential Decree 1599 kung saan nakasaad na saklaw ng teritoryo ng Pilipinas ang lahat ng nasa loob ng 200 nautical miles mula sa coastline ng bansa.

"Kung mapapagbigyan ng Korte Suprema ay maglalabas po sila ng isang Mandamus at Writ of Kalikasan, para hindi na matuloy yung paninira [ng Beijing] sa ating kalikasan diyan po sa West Philippine Sea," kanyang panapos.

2019 MIDTERM ELECTION

CHEL DIOKNO

FISHERMEN

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with