MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung ano ang magiging legal action nila laban sa China hinggil sa illegal na pangunguha umano nito ng endangered giant clams at pagsira nito sa mga corals sa Scarborough Shoal (Panatag Shoal).
Nabatid kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsampa na ng diplomatic protest si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. kaugnay nito.
Nabatid, na natuklasan, na iligal umanong nangunguha ng giants clams ang mga Chinese sa naturang karagatan kung saan “rare” na ito.
Bukod sa pangunguha ng giant clams, napag-alaman ding sinisira ng mga ito ang corrals sa Scarborough Shoal.
Dahil dito, sinabi ni Locsin Jr., na pinag-aaralan ng ahensiya kung ano ang magiging legal action nito laban sa China hinggil dito.
Gayunpaman, nilinaw ng kalihim na malapit pa ring kaibigan ng Pilipinas ang China kahit pa aniya may ganitong usapin.