^

Bansa

Legal action vs China ikinakasa

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Legal action vs China ikinakasa
Nabatid kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsampa na ng diplomatic protest si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. kaugnay nito.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung ano ang magiging legal action nila laban sa China hinggil sa illegal na pangunguha umano nito ng endangered giant clams at pagsira nito sa mga  corals sa Scarborough Shoal (Panatag Shoal).

Nabatid kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsampa na ng diplomatic protest si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr.  kaugnay nito.

Nabatid, na natuklasan, na iligal umanong nangunguha ng giants clams ang mga Chinese sa naturang karagatan kung saan “rare” na ito.

Bukod sa pangu­nguha ng giant clams, napag-alaman ding sinisira ng mga ito ang corrals sa  Scarborough Shoal.

Dahil dito, sinabi ni Locsin Jr., na pinag-aaralan ng ahensiya kung ano ang magiging legal action nito laban sa China hinggil dito.

Gayunpaman, nilinaw ng kalihim na malapit pa ring kaibigan ng Pilipinas ang China kahit pa aniya may ganitong usapin.

vuukle comment

CHINA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

SCARBOROUGH SHOAL (PANATAG SHOAL)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with