MANILA, Philippines — Magtatalaga ng 140 bus bilang paghalili sa Metro Rail Transit-3 na nagseserbisyo sa kahabaan ng EDSA.
Itinigil muna kasi ang operasyon ng MRT-3 ngayong Holy Week.
Itatalaga ang mga bus ngayong ika-15 hanggang ika-17 ng Abril, at ika-20 hanggang ika-21 ng Abril, mula alas-singko ng umaga hanggang alas-nuebe ng gabi.
"Hangad namin sa DOTr MRT-3 ang inyong maginhawang biyahe habang isinasagawa ang kinakaila ngang pagmimintina at pagkukumpuni sa ating train system," ayon sa pahayag ng Department of Transportation MRT-3 kahapon.
Narito ang drop-off at pick-up points:
- North Ave. — MRT Station (Southbound), Trinoma (Northbound)
- Quezon Ave. — MRT Station (Southbound), Centris (Northbound)
- Kamuning — Tapat ng SMDC/Malapit sa Pag-ibig Fund Bldg (Southbound), MLQU Bldg. (Northbound)
- Cubao — Stairway Vista Hotel (Southbound), Expo Center (Northbound)
- Santolan — VV Soliven (Southbound), MRT Station (Northbound)
- Ortigas — MRT Station (Southbound), Megamall/Robinson (Northbound)
- Shaw Blvd. — Starmall waiting shed (Southbound), Megamall (Northbound)
- Boni Ave. — Bus stop malapit sa stairway (Southbound), bus stop malapit sa SMDC Light Mall (Northbound)
- Guadalupe — Footbridge Loyola (Southbound), Footbridge (Northbound)
- Buendia — Bus stop malapit sa Shell gasoline station (Southbound), bus stop (Northbound)
- Ayala — Bus stop malapit sa SM (Southbound), bus stop malapit sa Telus Bldg. (Northbound)
- Magallanes — Bus stop malapit sa San Lorenzo Bldg. (Southbound), MRT stairway (Northbound)
- Taft Ave. — Bago mag-Kabayan (Southbound), malapit sa McDonalds at Sogo Hotel (Northbound)
Sa mga nagtataka kung magkano ang pamasahe rito, sinabi ng DOTr MRT-3 na hindi naman ito magtataas ng singil.
"Nais din naming ipabatid na ang pasahe para sa pagsakay sa mga bus ay katulad ng fare matrix na ipinatutupad ng MRT-3," dagdag ng pahayag departamento.
Ang naturang programa ay inisyatibo ng DOTr, MRT-3, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Land Transportation Office, Metropolitan Manila Development Authority, i-ACT Alpha/Bravo teams at Philippine National Police—Highway Patrol Group.