MANILA, Philippines — Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Katoliko na gayahin si Hesu Kristo at ang paghihilom na ginawa nito sa mga taong nakasakit sa kanya.
Ginawa ni Tagle ang naturang pahayag sa kanyang homily sa misang idinaos sa Manila Cathedral kahapong Palm Sunday.
Dito ikinuwento ni Tagle ang pagpapatawad ni Hesus kay Judas sa kabila nang pagtataksil nito sa kanya.
Subalit hinihimok ni Tagle ang mga Katoliko na sundin ang mga aral na tinuturo ni Hesus kahit ito man ay hindi madaling gawin.
“Mga Kapatid, simula pa lang ng Holy Week, nakikiusap po ako sa inyo, titigan si Hesus, pati yaong mga mahirap unawain at sundin sa kaniyang salita at lalo na sa kaniyang gawa; huwag pong iwasan, lalong titigan, lalong pakinggan,” dagdag pa nito.