^

Bansa

Pagpapatawad apela ni Tagle ngayong Holy Week

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pagpapatawad  apela ni Tagle  ngayong  Holy Week
Libong deboto ang nagprusisyon at pumila para mapabasbasan ang kanilang palaspas sa parish priest ng Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas sa paggunita kahapon ng Palm Sunday.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Katoliko na gayahin si Hesu Kristo at ang paghihilom na ginawa nito sa mga taong nakasakit sa kanya.

Ginawa ni Tagle ang naturang pahayag sa kanyang homily sa misang idinaos sa Manila Cathedral kahapong Palm Sunday.

Dito ikinuwento ni Tagle ang pagpapatawad ni Hesus kay Judas sa kabila nang pagtataksil nito sa kanya.

Subalit hinihimok ni Tagle ang mga Katoliko na sundin ang mga aral na tinuturo ni Hesus kahit ito man ay hindi madaling gawin.

“Mga Kapatid, simula pa lang ng Holy Week, nakikiusap po ako sa inyo, titigan si Hesus, pati yaong mga mahirap unawain at sundin sa kaniyang salita at lalo na sa kaniyang gawa; huwag pong iwasan, lalong titigan, lalong pakinggan,” dagdag pa nito.

LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with