Doble plaka testingin muna bago barilin – Gordon
MANILA, Philippines – Dapat munang testingin sa loob ng isang taon ang Motorcycle Crime Prevention Law o “doble plaka” bago ito suspindihin.
Ayon kay Sen. Richard Gordon kung hindi magtatagumpay ang isinulong niyang Republic Act 11235 na masawata ang mga riding-in-tandems (RIT) sa paggawa ng krimen matapos ang isang taon, payag siya na maamiyendahan ang batas.
Payag din siyang ibaba ang multa at siya mismo ang maghahain ng “amendatory bill” matapos ang isang taon na maipatupad ang batas.
Naniniwala si Gordon na kayang pababain ng RA 11235 ang mga kaso ng extra-judicial killings (EJKs) na isa sa malaking problema aniya ng gobyerno.
Ipinunto pa ni Gordon na dapat malimitahan ang mga kriminal sa paggawa ng krimen gamit ang mga motorsiklo.
Sa record ng PNP, 28,409 motorcycle riding crimes/incidents ang naiulat mula 2010-2017, 13,062 o 46% sa mga ito ay kaso ng pamamaril.
- Latest