Listahan: Mga lugar na may 'rotational brownout' ngayong araw

Ito'y bahagi pa rin ng paglalagay ng NGCP sa Luzon grid sa ilalim ng "yellow" at "red" alert.
File

MANILA, Philippines — Naglabas ng "tentative list" ang National Grid Corporation of the Philippines ng mga lugar na posibleng mawalan ng kuryente mula alas-nuebe ng umaga hanggang tanghali.

Ito'y bahagi pa rin ng paglalagay ng NGCP sa Luzon grid sa ilalim ng "yellow" at "red" alert.

Ilan sa maaaring tamaan nito ay ang:

Metro Manila

  • Quezon City
  • Maynila
  • Valenzuela City
  • Caloocan City
  • Las Pinas City
  • Muntinlupa City
  • Paranaque City

Bulacan

  • Baliwag
  • Pulilan
  • Marilao
  • Meycauayan
  • Bocaue
  • Norzagaray
  • San Jose Del Monte
  • Santa Maria
  • Malolos
  • Paombong
  • Calumpit
  • Hagonoy
  • San Ildefonso
  • San Rafael
  • Angat
  • Bustos
  • Balagtas
  • Plaridel
  • Baliwag
  • Bustos

Pampanga

  • Apalit
  • San Simon

Nangyari ito matapos sabay-sabay na magsara ang limang power plants sa bansa kamakailan.

Umani na ito ng batikos mula sa mga militanteng grupo dahil patataasin lang daw nito ang presyo ng kuryente.

Dahil sa outages, pumalo raw bigla ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market.

Pinangangambahan ng ilang sektor na maaaring may nagaganap na "price manipulation" at pagsasabwatan sa pagitan ng power generators at Manila Electric Company.

"Ginawa na nila ito noong 2013 subalit na[i]bulgar natin kaya't umaksyon ang Kongreso at Korte Suprema para pigilan ang pinakamalaking power rate hike sa kasaysayan. Mukhang sinusubukan na naman nila [ito] ngayon," sabi ni Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares.

Show comments