^

Bansa

Karapatan: Pulis, militar dapat makasuhan sa 'Negros 14' killings

James Relativo - Philstar.com
Karapatan: Pulis, militar dapat makasuhan sa 'Negros 14' killings
Matatandaang napatay ang 14 katao sa Negros Oriental, na diumano'y mga magsasaka't kapitan ng barangay, matapos "manlaban" nang hainan ng search warrant sa sari-saring kaso.
Karapatan/Release

MANILA, Philippines — Sa isang press conference sa Quezon City, nanawagan ang grupong Karapatan na tuluyang mademanda at mausig ang mga alagad ng batas na responsable sa pagpatay at diumano'y iligal na pag-aresto sa pagpapatupad ng "local synchronized enhanced management of police operations" nitong ika-30 ng Marso.

Matatandaang napatay ang 14 katao sa Negros Oriental, na diumano'y mga magsasaka't kapitan ng barangay, matapos "manlaban" nang hainan ng search warrant sa sari-saring kaso.

Duda naman ang ilang sektor sa totoong nangyari kaugnayan ng pagpatay. 

Sa full report ng katatapos lang na National Fact-finding and Solidarity Mission ng ilang advocacy groups, pinangalanan ang mga sumusunod bilang responsable sa mga nasabing "paglabag":

  • Regional Director of Police Regional Office-7 PSupt. Debold Sinas
  • Negros Oriental Police Chief Colonel Raul Tacaca
  • Canlaon City Police Chief Lieutenant Colonel Patricio Degay
  • Manjuyod Police Chief Lieutenant Roy Mamaradlo
  • Santa Catalina Police Chief Captain Michael Rubia
  • 94th Infantry Battalion of the Philippine Army
  • Judge Soliver C. Peras of Branch 10 of the Regional Trial Court of Cebu City
  • PNP Spokesperson Bernard Banac
  • PNP Chief Oscar Albayalde

Gusto rin ng NFSM na matukoy ang mga ahensya't opisyal ng pamahalaan na may "prior knowledge" o kinalaman sa operasyon, at paglalabas sa publiko ng mga dokumento na may kaugnayan dito.

Kasama raw dapat sa mailabas ang lahat ng search warrant na ginamit sa operasyon, aplikasyon sa mga nasabing warrant at lahat ng ulat na inihain ng mga kawani ng Philipine National Police, Armed Forces of the Philippines at iba pang ahensya.

"Those in government who justify the said violations as results of ‘legitimate operations’ have their twisted definition of what is right and wrong," sabi ni Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, ngayong Huwebes.

Ilang beses nang sinabi ng Palasyo at Philippine National Police na lehitimo ang operasyon at hindi isang masaker.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, may prosesong sinusunod ang hukuman ma­ging ang mga otoridad na nagpapatupad ng batas.

"Hindi totoo na ito ay massacre. Ito ay nangyari sa mga iba’t-ibang lugar and remember there were also 12 people who were arrested. So meron pong hindi nanlaban at naaresto," sabi ni Albayalde.

Sa kabila ng nasabing pahayag ng PNP chief, iniutos niya 'di malaon ang pagkakasibak sa pwesto ng ilang opisyal na sangkot sa pagpatay sa 14.

"As in numerous cases in the sham drug war and in many other killings of activists, such alibis are proven wrong by the victims and witnesses of such dastardly crimes," dagdag ni Palabay.

Dagdag ng human rights group, dapat daw tigilan na ng gobyerno ang "pananakot, pamimilit at pagpigil" sa mga saksi at kamag-anak ng mga nasabing biktima sa pagbibigay ng testimonya.

Ayon daw sa mga saksi, may takip sa mukha ang mga naghain ng warrant madaling araw nang mangyari ang karahasan.

Mababasa ang sinumpaang pahayag ni John Milton Lozande, secretary general of the National Federation of Sugar Workers, dito.

Dapat din daw magkaroon ng "conducive environment" para makapagsagawa ng independent investigation kung mawawala ang mga elemento ng pulis at militar sa mga komunidad.

"In that way, witnesses and relatives of victims can be partially safe from fear of reprisal," wika ni Palabay.

Isusumite raw ng Karapatan ang kabuuan ng kanilang ulat sa Commission on Human Rights, iba pang independent government agencies at intergovernmental bodies.

Nanawagan naman sila para sa tuluyang pagbabasura ng Oplan kapayapaan at anti-insurgency programs tulad ng Executive Order 70 at Memorandum Order 32 na naglalagay sa isla ng Negros, Bikol at Samar sa "state of emergency."

"[Such] have spawned and worsened the human rights violations that have been documented."

Oplan Sauron 2.0 kontra progresibo?

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi naman ng Kabataan party-list, na dapat na ring maibasura ang Oplan Sauron 2.0 na nagdulot ng kamatayan ng 14 pesante.

"OPLAN SAURON, or the Synchronized Enhanced Managing Of Police Operations, [was] led by the provincial police of Negros Oriental to further advance Duterte's crackdown on the legal and progressive groups operating in the province," wika nila.

Kilala ang Isla ng Negros bilang lupang agrikultural.

Sa kabila nito, humaharap pa rin daw sa 'di kaaya-ayang kondisyon at pa-sahod ang mga magsasaka.

"It is no surprise that the mass movement concerning genuine agrarian reform in the province is high amongst the people, mainly farmers," dagdag ng Kabataan.

Taong 2018, napatay naman ang siyam na magsasaka sa Sagay, Negros Occidental.

Simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte, umabot na raw sa 200 magsasaka ang napatay.

Itinatwa rin nila ang pagpapangalan ng nasabing oplan sa "dark lord" ng Lord of the Ring series.

"[W]ith the existence of OPLAN SAURON, it has turned the Negros Island into Mordor and has fully established its dark regime in the area through continued militarization of its communities."

Umaasa naman sila na makakamtam ng mga biktima ang katarungan at mapanagot ang pamahalaan para sa mga nasabing krimen.

FACT FINDING MISSION

MASSACRE

NEGROS ISLAND

OPLAN SAURON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with