^

Bansa

'Singil sa kuryente sisirit sa 5 sabay-sabay na powerplant shutdown'

James Relativo - Philstar.com
'Singil sa kuryente sisirit sa 5 sabay-sabay na powerplant shutdown'
Pagsuri ng ilang linemen sa electric meter sa Tondo, Maynila.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Binatikos ng iba't ibang grupo ang sabay-sabay na pagsasara ng mga planta ng kuryente sa gitna ng mataas na demand, bagay na magpapataas daw ng singilin sa consumers.

Ayon sa mga militante't consumer groups, ang nararanasang shutdowns ngayong sa Luzon ay kamukha ng nangyari noong 2013 kung saan nagkumtiyabahan daw ang mga power industry players para pataasin ang presyo.

"Ginawa na nila ito noong 2013 subalit na[i]bulgar natin kaya't umaksyon ang Kongreso at Korte Suprema para pigilan ang pinakamalaking power rate hike sa kasaysayan," sabi ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares.

Aabot sa limang power plant ang naiulat na nagkaroon ng "forced" at "unplanned outages" kahapon na nagdulot ng red alert.

Dahil dito, ibinabala ang "rolling brownouts" sa Luzon grid, kabilang ang franchise area ng Manila Electric Company, batay sa notice na ipinadala ng system operator na National Grid Corporation of the Philippines.

Dahil sa mga outages, pumalo raw ang mga presyo sa Wholesale Electricity Spot Market.

"Mukhang sinusubukan na naman nila [ito] ngayon," dagdag ng senatorial candidate.

"Sisipa talaga ng todo ang singil sa kuryente sa kanilang ginagawang sabay-sabay na shutdown sa power plants."

Payo nila, dapat silipin ng Energy Regulatory Board at Philippine Energy Market Corp., na nagpapatakbo sa WESM, para malaman kung may collussion at market manipulation na nagaganap.

Aniya, hindi na raw dapat maulit ang "connivance" ng Meralco sa power generators para pataasin ang mga presyo.

Kaugnay nito, tinawag na "reckless" at iresponsable ni Gerry Arances, nominado ng Murang Kuryente party-list, ang biglaang pagsasara ng mga planta.

"This just proves that our dependence on big dirty power plants is neither cheap nor is it reliable," sabi ni Arances.

Ngayong mainit ang panahon, lalo raw lumalaki ang pangangailangan na magkaroon ng mas maraming renewable energy sources para makapaghatid ng malinis at abot-kayang serbisyo.

"The inaccessibility of basic services such as water and electricity only add to the vulnerability of ordinary Filipinos to sicknesses and loss of livelihood related to climate change," dagdag niya.

Ganyan din ang naging pananaw ni Bukluran ng Manggagawang Pilipino spokesperson at senatoriable Leody de Guzman tungkol sa krisis.

Wala raw lugar ang rotational brownouts at water interruptions sa mga kabahayang ngayong napakainit.

"It is in times of crises like this that we see how the greed of corporations and the ineffectiveness of government come together to make our lives miserable," ani De Guzman.

Kasunduan kwinestyon

Sinabi naman ng Bayan Muna na sana'y huwag gamitin ng Meralco ang red at yellow power alerts para bigyang katwiran ang pag-aapruba sa pitong power supply agreements na pinagmamay-arian din daw nito.

"Hindi yung gagamitin ng Meralco ang nakakadudang red and yellow alerts ngayon upang itulak ang mga planta nila lalo pa ang Atimonan One sa Quezon. Nakakapagtaka din talaga at pinalusot ito ng Energy Regulatory Commission (ERC) at minamadali ng Department of Energy (DOE)," wika ni Colmenares.

Aniya, dapat daw isumite ang P/kWh na ni-negotiate sa pagitan ng Meralco at sarili nitong mga power generation companies at ilagay ito sa "price challenge" sa ibang power generation companies.

Sabi naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, mababagahe ang consumers ng dagdag P1.80 per kilowatt-hour oras na ipasa ng Meralco ang construction cost ng subsidiary nitong Atimonan One Energy Inc.

"We once again warn the public that this Atimonan contract, like the six other PSAs that the ERC awarded without bidding to Meralco-controlled companies, used deceptive assumptions to make it appear consumers would enjoy lower power rates," sabi ni Zarate.

"Ang dapat nga ay isama ito sa mga pinarereview mga agreements ni Pres. Duterte para lalo pang mabusisi na dehado talaga tayo sa mga midnight deals na ito."

Tinutulan din nina Jessa Donor ng grupong PIGLAS ang mga nasabing PSAs. 

2019 MIDTERM ELECTIONS

POWER PLANTS

POWER RATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with