MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) na posibleng tumaas ang presyo ng gulay sa mga pamilihan dahil sa El Niño.
Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, dahil sa mainit na panahon na palalakasin pa ng El Niño phenomenon ay hindi maiiwasan na humina ang produksyon ng gulay sa bansa.
Ito anya ang magiging dahilan ng posibleng pagtaas ng presyo nito sa merkado kaya naghahanap na ng solusyon ang gobyerno kung paano matutulungan ang mga magsasaka upang mapataas ang kanilang produksyon.
Sinabi ni Castelo na makikipag-ugnayan sila sa National Price Coordinating Council para matukoy kung paano matulungan ang mga magsasaka sa epekto ng tag-init.
“Gulay talaga iyong binabantayan natin because of the drought now happening in several regions in the country, so production has halted I understand. And we intend to address this through the NPCC [National Price Coordinating Council] by finding out how we can help farmers continue production or minimize at least the ill effects of El Niño,” paliwanag pa niya.