^

Bansa

Presyo ng gulay posibleng tumaas dahil sa El Niño

Rudy Anda - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng gulay posibleng  tumaas dahil sa El Niño
Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, dahil sa mainit na panahon na palalakasin pa ng El Niño pheno­menon ay hindi maiiwasan na humina ang produksyon ng gulay sa bansa.

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) na posibleng tumaas ang presyo ng gulay sa mga pamilihan dahil sa El Niño.

Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, dahil sa mainit na panahon na palalakasin pa ng El Niño pheno­menon ay hindi maiiwasan na humina ang produksyon ng gulay sa bansa.

Ito anya ang magiging dahilan ng posibleng pagtaas ng presyo nito sa merkado kaya naghahanap na ng solusyon ang gobyerno kung paano matutulungan ang mga magsasaka upang mapataas ang kanilang produksyon.

Sinabi ni Castelo na makikipag-ugnayan sila sa National Price Coordinating Council para matukoy kung paano matulungan ang mga magsasaka sa epekto ng tag-init.

“Gulay talaga iyong binabantayan natin because of the drought now happening in several regions in the country, so production has halted I understand. And we intend to address this through the NPCC [National Price Coordinating Council] by finding out how we can help farmers continue production or minimize at least the ill effects of El Niño,” paliwanag pa niya.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

EL NIñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with