^

Bansa

Ang Probinsyano, pro-agrikultura

Pilipino Star Ngayon
Ang Probinsyano, pro-agrikultura
Ayon kay Alfred delos Santos, na unang nominado ng partido, ang pagbibigay ng motorsiklo sa mga agri-teknisyan ay makakatulong sa pagpapakalat ng kanilang kaalaman.

MANILA, Philippines — Nakasentro sa pagbibigay ng mga motorsiklo sa mga agri-teknisyan at pagbibigay ng internet koneksyon sa mga magsasaka at mangingisda ang Agri-Tech Extension Program na isusulong ng Ang Probinsyano Party-List.

Ayon kay Alfred delos Santos, na unang nominado ng partido, ang pagbibigay ng motorsiklo sa mga agri-teknisyan ay makakatulong sa pagpapakalat ng kanilang kaalaman. 

“Kapag epektibo ang ating mga agri-teknis­yan, sila ay nakakapagbigay ng mas magandang oportunidad sa ating mga magsasaka,” ani delos Santos. “Dahil sa may motorsiklo, mas madalas na ang pagbisita ng mga agri-teknisyan sa mga magsasaka tuwing sila ay kakailanganin.”

Kabilang sa mga nais isulong na batas ng Ang Probinsyano Party-list sa kongreso ay ang pagbibigay sa mga magsasaka ng kakayahang pamahalaanan ang kanilang mga bukirin sa tulong ng teknolohiya.

Ang Probinsyano Party-list ay nakatuon sa pag-aangat ng kalidad ng buhay ng mga nasa probinsya sa pamamagitan ng human capacity development at pagbibigay ng mga serbisyo na mas malapit sa mga probinsya.

vuukle comment

AGRI-TEKNISYA

ANG PROBINSYANO PARTY-LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with