Kahirapan sa Pinas, bumaba
MANILA, Philippines — Bumaba sa 21 percent ang poverty incidence sa bansa nitong nakaraang taon kumpara sa 27.6% noong 2015.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang pagbaba ng poverty incidence ay dahil na rin sa malaking kontribusyon ng construction sa bansa gayundin sa pamamahagi ng conditional cash transfer ng pamahalaan sa mahihirap na pamilyang Filipino gayundin ang pagtataas ng pension ng mga retiradong miyembro ng Social Security System (SSS).
Nangangahulugan na nasa 23.1 milyong Filipino ay wala na sa below poverty level sa unang semester ng 2018.
Sinabi ng PSA, ang mga pamilyang may 5 miyembro na kumikita ng P10,481 kada buwan ay maituturing ng wala sa below poverty line.
Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nanguna sa pinakamahirap na rehiyon sa bansa na pumalo sa 55.4 percent at pinakamababa ang NCR na may 4.9 percent.
Ang Lanao del Sur ang pinakamahirap na probinsiya na may 73.8 percent poverty na sinundan ng Sulu na may 71.8 percent.
- Latest