LCSP sumuporta
MANILA, Philippines — Suportado ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang pagsuspinde sa implementasyon ng doble plaka sa mga motorsiklo sa bansa o paglalagay ng license plate sa harap at likod ng motorsiklo.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Duterte sa Land Transportation Office (LTO) sa kanyang pagdalo sa National Motorcycle Convention sa Iloilo City.
Unang nagprotesta ang motorcycle riding community laban sa Motorcycle Crime Prevention Act (RA 11235) na nagsasaad ng paglalagay ng doble plaka sa mga motorsiklo.
“Walang humpay ang pagprotesta ng motorcycle riding community laban dito at mukhang pinakinggan ito ng Presidente at kanyang inanunsiyo sa harap ng National Motorcycle Convention na suspendihin ng LTO ang implementasyon ng Doble Plaka”, pahayag ni LCSP founding President Ariel Inton.
Bunga ng pagpapasuspinde sa doble plaka, panukala ng Pangulo na isa na lamang plaka ang ilalagay sa likod ng motorsiklo at palalakihin na lamang ito.
- Latest