14 na napatay sa Negros 'inosenteng sibilyan' — fact-finding mission
MANILA, Philippines — Iprinesenta ngayong Lunes sa publiko ng ilang magsasaka at human rights groups ang resulta ng tatlong araw na fact-finding and solidarity mission sa pagpatay ng pulis sa 14 pesante sa Negros Oriental.
Iginiit ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura at Karapatan na pawang magsasaka't dalawang barangay captain ang napatay sa "anti-criminality operations" na tinaguriang Oplan Sauron.
"Majority of the victims of human rights violations in the island are farmers who actively fight for right to land, and the police and military are notorious in acting as private armies and goons of despotic landlords who monopolize vast-tracts of agricultural lands," sabi ni Danilo Ramos, chairperson ng KMP.
LATEST: Peasant and human rights group said the "anti-criminality" operations of the police in Negros Oriental that led to the death of 14 farmers "did not target actual criminals but was executed against innocent and civilian farmers" | via Aldo Banaynal pic.twitter.com/YO6IO2I9lB
— The Freeman (@TheFreemanNews) April 8, 2019
Nauna nang sinabi ng Philippine National Police at ng Palasyo na lehitimong mga operasyon ang ginawa sa Negros Oriental at na ginagamit lang ang mga insidente para sa propaganda laban sa pamahalaan.
Ayon sa mga sanaysay ng mga testigo't kamag-anak ng mga napatay, pare-parehong nakamaskara raw ang mga pulis nang pasukin ang bahay ng mga biktima, nagpakita ng mga "defective search warrants" at nagplanta ng mga ebidensya tulad ng baril at bala.
Aniya, isinagawa raw ito bilang bahagi ng counter-insurgency program sa ilalim ng Memorandum Order 32 na naglagay sa Negros, Samar at Bicol sa ilalim ng state of emergency.
"State terrorism is very much alive in Negros Island courtesy of the declaration of MO32. We demand justice for all the victims of state-perpetrated violence and that the spate of killings and other forms of human rights violations across the country to stop," sabi ng fact-finding team sa press conference.
Matatandaang sinabi ng Philippine National Police na rebelde ang 14 at "nanlaban" nang hainan ng search warrant kung kaya't napatay.
Sinibak na rin ni PNP chief Oscar Albayalde ang ilang pulis na nagsagawa ng operasyon.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na huwag maniwala sa diumano'y "propaganda ng Kaliwa."
Nanawagan naman ang mga grupo ng katarungan para sa 14 na napatay, kasama ang pagpapalabas sa 15 iba pa na inaresto.
"Facts gathered during the mission can be used in legal case to bring every single barbaric perpetrator of the bloody carnage to justice," dagdag ng grupo.
Panibagong kaso
Samantala, sinabi naman ng mga nabanggit na grupo na nangyari ang panibagong kahintulad na pang-aabuso nitong Biyernes.
"[M]ore than a hundred soldiers raided the house of Francisco Laza in Escalante City," sabi nila sa isang pahayag.
Aniya, lokal na miyembro raw si Laza ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas sa Escalante, Negros Occidental.
Nakapagtala naman daw ng tatlong kaso ng extrajudicial killings laban sa mga mangingisda ang Pamalakaya sa Negros Oriental simula 2017.
"They are killing with impunity, thus, MO32 is not against the lawless violence, it is itself the lawless violence or total disregard of the rule of law, victimizing activists and poor sectors," sabi ni Vincent Ferdandez, tagapagsalita ng Pamalakaya - Negros Island.
Sumama rin ang kanilang grupo sa fact-finding mission tungkol sa Oplan Sauron na nangyari noong ika-30 ng Marso.
Nanawagan din sila ng agarang pagbabasura ng nasabing kautusan.
"MO32 is killing people and violating the people's democratic rights. It is terrorizing people and threatening against being organized. We are demanding for its revocation and lifting of state of emergency, so that we could attend to our livelihood and feed our families," wika ni Ferdnandez.
- Latest