^

Bansa

Bong Go ipinagtanggol ng Palasyo matapos iugnay sa drug syndicate

James Relativo - Philstar.com
Bong Go ipinagtanggol ng Palasyo matapos iugnay sa drug syndicate
Kasalukuyang tumatakbo sa pagkasenador si Bong Go sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Malacañang ang mga ulat na kasapi ng sindikatong nagpapakalat ng iligal na droga si dating Special Assistant to the President Bong Go.

Sa viral video kasi, sinabi ng isang nagpakilalang dating miyembro ng sindikato na ilang beses niyang personal na nakita ang dragon tatoo sa likod ng senatorial candidate.

"That's pure and simple black propaganda. It's so easy to write a story and do a movie or a video out of that," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa press briefing kanina.

(Puro at simpleng paninira lang 'yan. Madali lang magsulat ng kwento at gumawa ng pelikula o video mula diyan.)

Kasalukuyang tumatakbo sa pagkasenador si Go sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

In-endorso rin siya ng Hugpong ng Pagbabago, na regional party ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Una na ring iniuugnay ang anak ni Duterte na si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa sindikato ng droga.

Sabi ni Panelo, nasa kamay ng nag-aakusa ang responsibilidad ng patunayan ang mga alegasyon.

"Eh kung totoo 'yon, sana nag-file na sila ng charges. Wala naman silang fina-file. Ibig sabihin, hindi totoo."

Ayon sa Palasyo, hahayaan lang daw nila ang mga nagpapakalat ng video dahil wala naman daw naniniwala sa kanila.

"Kung totoo ang lahat ng paninirang ginagawa nila sa pamilyang ito, bumagsak na yang rating ni presidente. Eh hindi bumabagsak, ang ibig sabihin hindi sila pinaniniwalaan," sabi ng tagapagsalita.

"Tulad ng ibang black propaganda, mabibigo 'yan dahil hindi magtatagumpay ang anumang pekeng naratibo laban sa pamilyang ito. Magwawagi ang katotohanan," sabi ni Panelo sa Ingles.

Nangyayari ang lahat ng ito sa gitna ng madugong gera kontra droga ni Duterte.

Bagong claims ni alyas 'Bikoy'

Sa video, idinitalye ni Bikoy, na diumano'y dating sangkot sa droga, kung paanong ginagamit ni Go ang kalakalan ng droga.

"Eto madali dahil litaw agad ang pangalan niya sa mga dokumento at madalas ko rin siyang makitang pumapasyal sa operations center ng sindikato," sabi ni Bikoy.

Ayon sa video, gumagamit daw si Go ng codename na TESOROGOLF-TSG002.

Christopher Lawrence Tesoro Go ang kanyang buong pangalan.

"[S]i Bong Go, katulad ni Paolo Duterte, ay meron ding dragong tato sa likod... Ito'y merong alphanumericode na COATLIBRA-0018 na siya rin niyang ginagamit na codename sa tara," dagdag ni Bikoy. 

Ang tara ay perang dinedeposito raw sa account ng mga drug lord.

Dalawa raw ang ginagamit niyang alyas dahil mataas aniya ang posisyon ni Go sa sindikato.

Apat din daw ang accounts ni Go sa mga rural banks.

Mula 2010 hanggang 2018, umabot daw sa P3.07 bilyon ang inilipat sa international accounts ni Go sa pamamagitan daw ng isang "dummy account."

"Kaya pala kayang-kaya niya gumastos ng mahigit P500 milyon sa kampanya," sabi ng video.

'Kahina-hinalang' gastos sa kampanya

Sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism, lumalabas na gumastos at ginastusan ng P422,498,647 ang mga ads ni Go.

Sa 61 kandidato sa pagkasenador, ibinuhos sa kanyang kampanya ang pinakamalaking halaga para sa mga patalastas.

Siya rin ang "pinakamahirap" sa mga pinakamalalaking ginastos sa kampanya.

"The mystery is stark: Go — formerly special assistant to the president — is the poorest of the top adspenders with a declared net worth of only P12.85 million, and cash on hand/in bank of only P3.9 million, as of his December 2017 SALN. His P422-million total ad buys amount to 3,287 percent of his net worth," sabi ng ulat.

(Tampok ang misteryo: Si Go — dating special assistant to the president — ang pinakamahirap sa top adspenders na may idineklarang net worth na P12.85 milyon, at ang hawak/nasa bangko niyang pera ay nasa P3.9 milyong lang, ayon sa kanyang SALN noong DIsyembre 2017.)

Kung kwekwentahin, bumili raw siya ng political ads na 32.9 beses na mas malaki sa kanyang kabuuang yaman.

2019 MIDTERM ELECTIONS

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with