Mabilis na serbisyo at tulong sa mahihirap nais Bong Go
MANILA, Philippines — Mas mabilis na serbisyo at tulong sa mga mahihirap na Pilipino ang nais ni dating Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go.
Ayon kay Go, bagamat unti-unti ng umaayos ang serbisyo ng gobyerno para sa mga mamamayan sa ilalim administrasyong ng Pangulong Duterte ay pabibilisin pa ito.
Sinabi ni Go, mahaba pa rin ang pila sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng pagkuha ng pension sa Social Security System, driver’s license, pagpapa-check up at pagpapagamot sa mga ospital ng pamahalaan.
Hangad ni Go na matuldukan na ang mahabang pila at palitan ng mabilis na serbisyo sa bawat mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng paglalagay ng dagdag na empleyado sa mga ahensiya ng gobyerno.
Iginiit pa ni Go, na ang utos sa kanya ni Pangulong Digong ay huwag ng pahirapan at pag-antayin pa ang mga taong nangangailangan sa halip ay suklian ng mabilis na serbisyo dahil sa mamamayan galing ang buwis ng gobyerno.
- Latest