Prosecutors pinag-aarmas ni Digong
MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Pangulong Duterte ang mga prosecutors sa bansa na armasan ang kanilang sarili.
Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng mga binabaril at pinapatay na prosecutors sa bansa.
Sa kaniyang talumpati sa annual convention ng Prosecutor’s League of the Philippines sa Puerto Princesa City kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na mas magandang klase na magkaroon sila ng Glock 19 na pistola.
Aniya, mas maiging piliin nila ang nasabing uri ng baril dahil ito ay hindi mabigat at subok na ito.
Inamin din ni Duterte na hindi ito komportable kapag hindi niya nadadala ang baril.
Mula Agosto 2016 ay umabot na sa walong prosecutors ang napapatay base na rin sa listahan ng Department of Justice.
- Latest