'Constitutionality' ng Chico River loan agreement sa Tsina hinamon sa SC
MANILA, Philippines — Naghain ng petisyon sa Supreme Court ang ilang representante mula sa Makabayan bloc at ilang sektor para kwestyonin ang $62-bilyong utang ng Pilipinas sa Tsina para sa Chico River Pump Project.
Panawagan nila, i-deklarang unconstitutional, iligal at walang bisa ang kasunduan.
We hope the Supreme Court steps in and stops the madness of these onerous loans from China violating our Constitution and sovereignty. #ATINangPINAS #KalampagNiColmenares pic.twitter.com/2EXFElRz2u
— Neri Colmenares (@ColmenaresPH) April 4, 2019
Umani ito ng kritismo mula sa iba't ibang grupo dahil sa mga kontrobersyal nitong probisyon gaya ng:
- diumano'y pagsusuko ng mga ari-arian/likas yaman ng bansa oras na mag-default sa utang
- pagpabor sa mga Chinese contractor
- pagdadala ng Pilipinas sa Chinese arbitration tribunal gamit ang mga batas ng Tsina oras na magkaroon ng pagtatalo sa agreement.
"Petitioners also ask the Court to provide urgent relief by issuing a Temporary Restraining Order (TRO) and/or Writ of Preliminary Injunction, to enjoin Respondents from enforcing the loan agreement," ayon kay Makabayan chairperson Neri Colmenares.
Ilan sa mga petitioners ay sina Colmenares, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Anakpawis Rep. Ariel Casilao, Gabriela Rep. Emerenciana de Jesus at Rep. Arlene Brosas, Alliance of Concerned Teacher Rep. Antonio Tinio at Rep. Francisca Castro, Kabataan Rep. Sarah Elago, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairperson Danilo Ramos at Kalinga leader Elma Tuazon.
"[We would want to o]rder all concerned agencies of government to produce certified true copies, upon request, of all loan agreements executed by and between the Government of the Republic of the Philippines and China," dagdag ni Colmenares.
Nagbabala na rin si Senior Associate Justice Antonio Carpio tungkol sa mga nasabing probisyon, at sinabing maaaring kunin ng Tsina ang Reed Bank kung di mabayaran ang utang.
Pero una nang sinabi ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez at Presidential Spokesperson Salvador Panelo na walang dapat ikabahala ang Pilipinas dahil lagi naman daw nagbabayad ang Pilipinas.
Gayunpaman, sinabi ni Carpio na maling sabihing hindi pa nagde-default sa utang ang Pilipinas.
Aniya, nagdeklara na raw dati ng moratorium sa foreign debt payments ang bansa noong 1983.
"[I]t is not correct to say that the [Philippines] never defaulted on its debt because the mere suspension of repayment, like declaring a debt moratorium, is already an ‘event of default," ani Carpio sa isang pahayag. — James Relativo
- Latest