MANILA, Philippines — Walang dapat ipangamba ang mga bagong graduate sa paghahanap ng trabaho.
Ito ang tiniyak ni Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay dahil maraming mga kumpanya naman ang tumatanggap ng mga walang work experience lalo na kung ito ay entry level positions lamang.
Ani Tutay, may mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado na aayuda umano sa kanilang workload.
Ayon sa talaan, nanguna ang staff nurse, call center agent at accounting staff sa pangunahing posisyon na hindi na kailangan ng work experience.
Ipinabatid naman ng Philippine Business for Education (PBED) na mayroong 7,000 trabaho silang inilaan para sa mga senior high school graduates sa mga pribadong sektor.
Payo ni Tutay, huwag maging mapili ang mga new graduates at sa halip ay pagbutihin ang kanilang trabaho.