^

Bansa

Fresh graduates ‘wag matakot sa paghahanap ng trabaho

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Fresh graduates ‘wag matakot sa paghahanap ng trabaho
Ito ang tiniyak ni Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay dahil maraming mga kumpanya naman ang tumatanggap ng mga walang work experience lalo na kung ito ay entry level positions lamang.
File Photo

MANILA, Philippines — Walang dapat ipa­ngamba ang mga bagong graduate sa paghahanap ng trabaho.

Ito ang tiniyak ni Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay dahil maraming mga kumpanya naman ang tumatanggap ng mga walang work experience lalo na kung ito ay entry level positions lamang.

Ani Tutay, may mga kumpanyang nanga­ngailangan ng mga em­pleyado na aayuda umano sa kanilang workload.

Ayon sa talaan, na­nguna ang staff nurse, call center agent at accounting staff sa pangunahing posisyon na hindi na kailangan ng work experience.

Ipinabatid naman ng Philippine Business for Education (PBED) na mayroong 7,000 trabaho silang inilaan para sa mga senior high school graduates sa mga pribadong sektor.

Payo ni Tutay, huwag maging mapili ang mga new graduates at sa halip ay pagbutihin ang kanilang trabaho.

FRESH GRADUATES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with