^

Bansa

4 na pulis sinibak ni Albayalde sa pagkamatay ng 14 sa Negros Oriental

James Relativo - Philstar.com
4 na pulis sinibak ni Albayalde sa pagkamatay ng 14 sa Negros Oriental
Sabado nang maiulat ang pagkamatay ng walo katao sa Canlaon City, apat sa Manjuyod at dalawa sa Sta. Catalina.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Sinibak sa pwesto ni Philippine National Police chief Oscar Albayalde ang ilang alagad ng batas na iniuugnay sa kontrobersyal na "law enforcement operation" sa Negros Oriental.

Ayon sa ulat ng The STAR, ni-relieve sa pwesto sina Negros Oriental police director Col. Raul Tacaca at tatlong iba pa matapos mapatay ang 14 katao, na pawang magsasaka't habal-habal driver lang daw sabi ng ilang sektor.

Sabado nang maiulat ang pagkamatay ng walo katao sa Canlaon City, apat sa Manjuyod at dalawa sa Sta. Catalina.

Una nang inabswelto ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang mga pulis at militar sa mga paglabag ng karapatang pantao kahit na sinabi ni Albayalde na bukas siya sa imbestigasyon.

Ayon kay Panelo, mga komunista ang mga suspek at nanlaban diumano kung kaya't nasawi.

"[T]he fact remains that the people subject of a search warrant have been identified as suspects in certain ambushes, assassinations, assassination attempts, so it’s a police operation and backed up by documents. And the courts believed in them that’s why they issued these warrants," sabi ni Panelo sa isang press briefing kahapon.

Humiling naman ng suporta sa publiko si Sen. Panfilo Lacson para sa mga pulis, na nagbubuwis daw ng buhay para sa kaligtasan ng lahat.

Maliban sa mga napatay, naaresto rin ang 12 iba pa na kasama raw sa 36 na search warrant na inaksyunan.

Mga nang-aresto 'may takip sa mukha'

Samantala, nananawagan naman ang Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura sa Kongreso na suportahan ang ihahaing house resolution ng Makabayan bloc para makapagsimula ng congressional inquiry.

Aniya, kahina-hinala raw kasi ang ilang sirkumstansya sa insidente.

"Why were the supposed search warrants served after midnight?" sabi ng UMA sa isang statement.

Maliban dito, ipinagtataka rin nila kung bakit hindi nagpakita ng mukha ng mga nasa likod ng operasyon.

"Why were most of the members of the PNP and military who served said warrants wearing facemasks and other paraphernalia to conceal their identities?" 

Humihingi naman ngayon ng independent investigation ang grupong Karapatan sa nangyari.

Ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, hindi raw kasi mapagkakatiwalaan ang PNP at Armed Forces of the Philippines na magsagawa nito.

Ikinatuwa naman ng UMA ang pangako ng Commission on Human Rights na magsagawa ng sarili nilang probe.

Nangyari ang insidente dalawang araw bago ang ikatlong anibersaryo ng Kidapawan massacre.

FARMERS

HUMAN RIGHTS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with