Resulta ng drug test sa artista hingi ng PDEA

Ayon kay PDEA director general Aaron Aquino, sa oras na negative ang latest na drug test ng isang artista na nasa kanilang drug watchlist ay aalisin na ito sa kanilang listahan para ma-clear na ang pangalan.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nais ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makita ang resulta ng drug test na isinagawa sa mga celebrity o kilalang artista.

Ayon kay PDEA director general Aaron Aquino, sa oras na negative ang latest na drug test ng isang artista na nasa kanilang drug watchlist ay aalisin na ito sa kanilang listahan para ma-clear na ang pangalan.

Nais din ikumpara ng PDEA ang hawak naling list ay kabilang sa mga nagpasailalim sa drug test.

Pinuri ni Aquino ang ginagawa ng dalawang malaking TV networks na ABS-CBN at GMA-7 na isailalim sa random drug tests ang kani-kanilang mga celebrity para patunayan at ipakita sa publiko na walang gumagamit na droga sa kanilang mga alagang artista.

Una dito ay sinabi ng pamunuan ng dalawang malaking TV networks na nagpapatupad sila ng drug-free workplace.

Show comments