MANILA, Philippines — Kinasuhan na ng Office of the Ombudsman ng kasong graft sa Sandiganbayan si dating Tourism Secretary Ace Durano kaugnay ng conceptualization at development ng wall calendars ng Department of Tourism na may halagang P2.7 milyon noong 2008.
Sa reklamo, idiniin ng Ombudsman na sina Durano at ilang tourism official noon ay nagkutsabahan para paboran ang PDP Digital, Inc. na gawin ang DOT wall calendar para sa taong 2009 nang walang naisagawang bidding para dito at bagkus ay direct contracting ang naipatupad sa kontrata.