Pabahay sa mahihirap palakasin - PBB
MANILA, Philippines — Isusulong ni Partido ng Bayan ang Bida (PBB) Partylist nominee Atty. Imelda Cruz na rebisahin ang Urban Development Housing Act (UDHA) upang palakasin ito at maging behikulo sa mura at disenteng pabahay sa mga homeless Filipino.
Wika ni Atty. Cruz ng PBB, hindi naging angkop sa kasalukuyang pangangailangan sa pabahay ang naging amyenda sa UDHA makaraang mag-lapse into law ito noong 2016 matapos hindi lagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Kailangang maging maayos ang pamamahagi ng pabahay sa buong bansa upang mapakinabangan ito ng tao at hindi ng mga pulitiko.
Ibinunyag ni Cruz, karamihan sa mga pabahay ng gobyerno ay napupunta sa mga pulitiko sa halip na taumbayan ang makinabang dito. Aniya, aabot sa 6.2 M na ang backlog sa pabahay noong 2016 at tiyak na mataas na ito makalipas ang tatlong taon.
- Latest