DOLE kinalampag sa Chinese laborers

Ayon kay Villanueva, dapat imbestigahan ng DOLE ang nasabing isyu dahil ito lamang ang may technical capacity para tingnan ang abilidad ng mga foreigners na nagtatrabaho sa bansa.

MANILA, Philippines — Kinalampag kaha­pon ni Sen. Joel Villa­nueva ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa mga Chinese labo­rers na nagtatrabaho sa isang construction site at naiulat sa telebisyon kamakalawa.

Ayon kay Villanueva, dapat imbestigahan ng DOLE ang nasabing isyu dahil ito lamang ang may technical capacity para tingnan ang abilidad ng mga foreigners na nagtatrabaho sa bansa.

Ang DOLE ang nagbibigay ng alien employment permits sa mga foreigners matapos i-review kung ang trabahong gagawin ng mga ito ay hindi kayang gawin ng mga Filipino.

Idinagdag ni Villa­nueva na dapat maging vigilante ang lahat at protektahan ang mga trabaho na dapat ay mapunta sa mga Filipino.

Wala aniyang basehan ang sinasabi na hindi kuwalipikado ang mga Filipino at hindi kayang gawin ang trabaho ng mga foreign workers na nasa Pilipinas.

Show comments