Batangas mayor sinampahan ng graft sa Ombudsman
MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong katiwalian si Sto. Tomas Batangas Mayor Edna Sanchez sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y “kickback” mula sa isang kontrata na magbibigay ng mabilis na serbisyo at sistema ng pangongolekta ng bayad sa tubig.
Sa 11-pahinang reklamo ng WeDo BPO Inc., ang kumpanyang nanalo para magsagawa ng proyekto noong Enero 4, 2010, sinabi nito na ilang ulit na nanghingi umano sa kanila ng komisyon si Sanchez para sa nasabing proyekto dahil siya naman ang naging daan upang mapunta sa nasabing kumpanya ang kontrata sa paggawa ng bagong Sistema ng pangongolekta sa bayad ng tubig sa buong munisipalidad.
Ayon sa reklamo, noong Setyembre 1, 2010, pinapunta ni Sanchez sa opisina ng WeDo ang bodyguard nito para kunin ang tseke na nagkakahalaga ng P1.211,592.82 at P1 million cash.
Lumalabas din sa reklamo na kinuwestiyon pa umano ng alkalde ang WeDo ng sabihin nito na P4.94 milyon lang ang kanilang natanggap mula sa gobyerno noong Agosto 2010 at iginiit na dapat ay P5.9 milyon dahil ito ang halaga ng proyekto.
Nilinaw naman ng WeDo na nabawasan na ang nasabing halaga ng mga taxes at iba pang bayarin.
Pumayag naman umano si Sanchez, ngunit muli umano itong humingi ng P1 milyon para sa Dextral Lending Corp.. Sa kumpanyang ito umano nangutang ang WeDo para sa working capital nito sa proyekto.
- Latest