Kaysa umutang sa Tsina, think tank pinatataasan ang tax ng mayayaman
MANILA, Philippines — Sa pagbagal ng economic growth at paglobo ng external debt ng Pilipinas, lumalaki raw ang posibilidad na hindi mabayaran ng bansa ang kinukuhang utang sa Tsina.
Sinabi ito ng economic think tank na Ibon Foundation sa gitna ng mga kontrobersyal na kondisyon sa mga pautang ng Tsina para sa New Centennial Water Source – Kaliwa Dam Project at Chico River Pump Irrigation Project.
Sa Article 8.1 kasi ng dalawang loan agreements, maaaring kunin ng Tsina ang ilang likas yaman at strategic assets oras na mag-default sa utang ang Pilipinas.
"The problem is why the Duterte administration has agreed to loans with China whose terms are suspiciously more disadvantageous compared to loan agreements with other debtors," sabi ni Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation.
Umabot na sa $14.4 bilyon ang utang ng Pilipinas sa Tsina matapos kumuha ng tulong pinansyal para sa 23 infrastructure projects.
Nitong 2018, tumaas ng walong porsyento ang kabuuang utang panlabas ng bansa sa $79 bilyon.
Ayon sa grupo, may magagawa ang pamahalaan para mapahupa ang ngayo'y malaki nang utang sa mga ibang bansa.
"The Duterte administration can moderate its borrowings if only it were not so afraid to tax the rich and large corporations especially foreign firms," dagdag ni Africa.
"Increasing tax revenues from those who are most able to pay higher taxes will not only moderate the country’s debt burden but also lessen the taxes paid by the poor," sabi niya.
Minaliit naman ng Palasyo ang posibilidad na magsuko ng assets ang bansa sa Tsina.
Aniya, lagi naman daw kasing nagbabayad ang bansa kung kaya't imposible itong mangyari.
"It will never happen kasi nga we pay eh... Saka ang liit lang naman," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo ngayong linggo.
Pero ayon naman sa Ibon, hindi dapat makampante ang gobyerno kahit na nakakapagbayad ng utang sa Tsina.
"So if our homes have never been robbed then we shouldn’t buy padlocks or lock our doors? The government has the responsibility to protect our interests on any contingency but it suspiciously did not in these loans with China," dagdag ni Africa.
'Kaliwa Dam hindi kailangan'
Samantala, nanindigan naman ang research group na hindi na kinakailangang umutang ng Pilipinas para sa Kaliwa dam.
Isa ang proyekto sa binabanggit ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System bilang solusyon sa nagaganap na krisis sa tubig sa kasalukuyan.
"The Kaliwa dam is unecessary and existing rivers and Laguna Lake can provide Metro Manila with as much as 3,600 million liters per day," dagdag ng ekonomista.
Kinakailangan lang daw i-rehabilita ang mga nakatayo nang imprastruktura at magtayo pa ng mga bagong pasilidad.
"Dams can still be considered as necessary but with proper consideration of the displacement if communities and destruction of the environment," wika ni Africa.
Una nang inirereklamo ng mga katutubong Dumagat ang pagtatayo ng Kaliwa Dam sa banta na mapalikas ang 10,000 miyembro ng kanilang tribo.
- Latest