^

Bansa

Mga aso, kayang matukoy ang amoy ng nag-'eepileptic seizure' — study

Philstar.com
Mga aso, kayang matukoy ang amoy ng nag-'eepileptic seizure' — study
Dahil dito, lumalaki ang pag-asa na malaman ng dog owners kung makararanas sila ng pag-atake bago pa ito mangyari.
File

MANILA, Philippines — Kayang gamitin ng mga aso ang kanilang malakas na pang-amoy para matukoy ang amoy na iniuugnay sa "seizures," sabi ng mga mananaliksik ngayong Huwebes.

Dahil dito, lumalaki ang pag-asa na malaman ng dog owners kung makararanas sila ng pag-atake bago pa ito mangyari.

Inilabas ang papel sa scientific journal na Nature Scientific Reports.

"The results went beyond our expectations by showing that there is indeed a general odour of an epileptic seizure," sabi ni Amelia Catala, researcher sa University of rennes at lead study author.

Gumamit ng limang aso ang mga researches mula sa France — sina Casey, Dodger, Lana, Zoey at Roo — upang tukuyin kung makikilala nila ang espisipikong amoy na iniuugnay sa human seizure.

Iniharap nila sa mga aso ang ilang amoy na kinuha sa mga epileptic patients, kasama ang mga body odors na inilalabas na tao tuwing kalmado, habang nag-eehersisyo at habang inaatake ng sakit.

Na-identify nina Casey, Dodger at Zoey ang seizure scent nang may 100 porsyentong accuracy, habang dalawang beses sa tatlo naman itong nakuha nina Lana at Roo.

"We hope it will open new lines of research that could help anticipate seizures and thus get patients to seek security," dagdag ni Catala.

Dati nang nakita ang abilidad ng mga aso na maamoy ang mga sakit gaya ng ilang cancer, diabetes at malaria.

Sa sobrang sensitibo ng pang-amoy ng mga aso, kaya nilang maka-detect ng espisipikong organic compounds kahit na mas mababa pa sa 0.001 pat per billion ang concentration nito.

Mas matindi pa ang ilong ng aso sa mga "electronic noses" na naimbento. Kaya lamang nitong maka-amoy sa threshold na 300 parts per billion.

Dahil sa abilidad ng mga aso na makaamoy ng sakit, nakita ng eksperimento na posible nilang ma-"diagnose" ang mga acute health episodes na tumatagal lang ng ilang minuto.

"The study of odours by the use of dogs constitutes a fast, low-cost, non-invasive, and effective screening method of diseases that can be difficult to identify normally," ayon kay Catala. – James Relativo

DOG

EPILEPSY

SEIZURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with