Mga Bagatsing handa na!

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang pamilyang Bagatsing upang magbigay ng tunay at tapat na serbisyo sa mga Manilenyo.  

Ang Bagatsing family ay suportado ng apat na organisasyon na mayroong 200,000 miyembro  na kinabibilangan ng Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA), Asosasyon ng Nagkakaisa at Aktibong Kabataan (ANAK), Asosasyon ng Barangay Kagawad ng Maynila (ABAKA) at Service Investment Good Government Leadership Action (SIGLA).

Ayon kay Don Bagat­sing tagapagsalita ng Bagatsing family, isusulong nina Amado Bagat­sing bilang Vice Mayor, DJ bilang Councilor, at Cristal Bagatsing bilang Congresswoman ang programa ni Manila Ma­yor Joseph Estrada na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga Manilenyo.

Sinabi ni Don, kalusugan at disenteng trabaho para sa mga residente ng Maynila ang magi­ging prayoridad upang magkaroon ng maunlad na Maynila.

Show comments