Duterte posibleng kausapin si Xi tungkol sa 'harassment' sa mangingisda

Pilipinong mangingisda na pumapalaot.
Release/Pamalakaya

MANILA, Philippines — Maaaring kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese President Xi Jinping tungkol sa diumano'y muling pangingipit ng kanilang coast guard sa mga mangingisdang Pinoy sa Belt and Road Forum sa Beijing sa susunod na buwan.

“Most likely that will be raised as an issue if validated – the alleged new harassment,” sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

“Our fishermen were no longer being driven away. A video came out; now my question is: is it the latest? If it’s the latest, we will protest and tell them to correct, better to stop it. That’s our position,” sabi niya sa panayam ng DZRH.

Tinutukoy niya ang kumakalat na dokumentaryo tungkol sa mga mangingisda na nagrereklamo tungkol sa "harassment" ng mga Tsino sa Panatag Shoal.

Ipinaskil ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares ang video sa kanyang Facebook account.

Idinetalye rito ng dalawang mangingisda kung paanong kinukuha raw ng mga Tsino ang kanilang huli at itinataboy mula sa lugar.

"Government could not allow it that the fishermen will be treated that way," sabi niya. "Kailangang matuldukan iyan."

Sabi rin Panelo, hindi maaaring basta gawin ng Tsina ang gusto nila kung kontrolado nila ang West Philippine Sea lalo na't nangingisda na roon ang mga Pilipino bago pa ang 2016 arbitral ruling na bumabalewala sa maritime claim ng Tsina.

We will not allow our fishermen to be harassed. We will not enforce it through war; we will not be risking the lives of our soldiers there. So maybe we can invoke the arbitral ruling through negotiation. That’s what we will do," sabi niya.

Pinagagawa na rin daw ng ulat ang coast guard tungkol sa mga naibalitang pang-aabuso.

'Hindi sinungaling ang mangingisda'

Kwinestyon naman ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas ang pagdududa ni Panelo sa mga nagaganap na panggigipit.

Noong Lunes, sinabi kasi ni Panelo na "baka lumang footage" na ang ginamit sa video dahil hindi na ito nangyayari sa kanyang pagkakaalam.

"Baka yung video [was] taken prior. Kasi may ginawa na tayo diyan eh... Pumayag na nga sila. Hindi na nga sila pinaaalis eh," sabi niya sa isang press briefing.

Ayon kay Pamalakaya national chairperson Fernando, tila pinaparatangan ng Palasyo na sinungaling ang mga nagrereklamong mangingisda.

"By asking proof about the harassment in Scarborough Shoal, is the government accusing our fisherfolk of lying about their situation? Why can't the government trust its own fisherfolk and help them get back to their fishing waters peacefully?" ani Hicap.

Aniya, trabaho ng pamahalaan na gumawa ng "on the ground investigation" sa sitwasyon ng Filipino fisherfolk na nagtitiis daw sa dami ng Chinese military at vessels sa pinag-aagawang teritoryo.

"Mr. Panelo deserves a strong condemnation from the public for dismissing the valid report of the fisherfolk who are victims of Chinese bullying, as well as for acting as the spokesperson of the Chinese government by covering up its aggressive invasion of our waters," dagdag ni Hicap, na mangingisda rin sa Manila Bay.

Kwinestyon naman ng Pamalakaya ang katapatan ng tagapagsalita sa bansa.

Matatandaang sinabi ni Panelo na walang magagawa ang Pilipinas sa panghihimasok ng Tsina maliban sa makipagnegosasyon at maghain ng protesta.

"Because the government itself says they can't do anything about this ongoing invasion of our marine waters, it is the duty of the Filipino people to stand united and uphold our national sovereignty and territorial integrity," panapos ni Hicap.  James Relativo

Show comments