1 kilong basura palit-bigas
MANILA, Philippines — Para matugunan ang problema sa basura, isinusulong sa Kamara ang panukalang pagbibigay ng isang kilong bigas kapalit ng isang kilo ng basura.
Sa House Bill 9170 ni Aangat Rep. Neil Abayon, mabibigyan ng incentives ang mga tao na magse-segregate ng recyclable plastics at magdadala ng mga basura sa redemption centers kapalit ng bigas, mga de-lata o pera.
Ang bawat isang kilo ng non-hazardous at recyclable plastic wastes ay may katapat na isang kilo ng bigas o cash equivalent, habang ang isang kilo ng metallic, non-hazardous, recyclable waste ay dalawang kilo naman ng bigas o katumbas na halaga sa pera.
Sa ganitong paraan ay mahihikayat ang mga consumers na paghiwa-hiwalayin ang kanilang mga basura sa kanilang bahay pa lamang at masosolusyunan ang pagdami ng basura.
- Latest