SSS at PhilHealth sa tricycle, pedicab drivers sa Malabon
MANILA, Philippines — Isinusulong ngayon ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel na mabigyan ng proteksyon sa kanilang kinabukasan ang mga tricycle at pedicab drivers na bumibiyahe sa lungsod ng Malabon sa posibleng pagkakaroon ng sarili nilang Social Security System (SSS) at PhilHealth accounts.
“Dapat bigyang pansin natin ang ating mga PODA at TODA lalo na ang kanilang pamilya,” ayon kay Lacson-Noel.
Sinabi pa ng Kongresista na nararapat na masiguro ang kanilang kalagayan na nalalagay sa panganib sa pamamasada kaya isinusulong niya ang pagkakaroon ng PhilHealth coverage ng mga tricycle driver.
Dapat din umano na magkaroon ng SSS membership ang mga tsuper para makakuha sila ng mga benepisyo na natatanggap ng ibang empleyado tulad ng medical, disability, loan at burial.
Ilan pa sa nais ibigay ni Lacson sa mga tricycle drivers ang educational assistance sa kanilang mga anak para magkaroon ng mas magandang buhay, tulong pangkabuhayan mula sa lokal na pamahalaan at tulong sa maintenance ng kanilang mga ipinapasadang mga tricycle at pedicab.
- Latest