MANILA, Philippines — Patuloy na umaaksyon ang Manila Water upang tuloy-tuloy nang maibalik ang suplay ng tubig sa barangay Addition Hills na isa sa mga lugar na labis na naapektuhan ng water supply shortage na naranasan sa mga lugar na sineserbisyuhan ng konsesyunaryo.
Sa ngayon, nasa 90 percent o nasa 9,000 kabahayan na sa barangay Addition Hills ang mayroong malinis at maiinom na tubig na available mula 11:00am hanggang 3:00pm araw araw. Bukod sa pagbabalik ng suplay ng tubig sa Addition Hills, sinikap din tapusin ng Manila Water ang declogging ng 105 PO bulk meters at paglalagay ng 66mm na tubo na magsisilbing extension upang mas mapabilis ang distribusyon ng tubig sa matataas na lugar at pag-refill sa mga tankers.