^

Bansa

Petisyon vs TMC dinismis ng korte

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinismis ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang hirit ni Margaret Bengzon, manugang ni dating Medical City CEO Dr. Alfredo Bengzon, na pigilan ang mga direktor ng Professional Services In (PSI), ang beneficial owners ng The Medical City, laban sa paggawa ng anumang desisyon o pagbabago sa PSI Healthcare, ang corporate entity na nangangasiwa sa subsidiaries ng TMC.

Sa desisyon ng korte, “nuisance at harassment suit” lamang umano ang petition laban sa TMC.

Ang court dismissal ay kasunod ng tangka umano ni Dr. Bengzon na hadlangan ang majority shareholders ng TMC sa paghahalal ng bagong board noong siya pa ang CEO.

Kinuwestiyon din ng mga shareholders ang pa­ngangasiwa ni Dr. Bengzon sa kumpanya, kabilang na ang paggastos ng P21.6 bilyong expansion sa Guam, na lampas sa orihinal na budget ng P11 bilyon at isyu sa ‘conflict of interest’ matapos italaga ni Dr. Bengzon ang kanyang manugang bilang in-charge sa pagtatatag at pag-operate ng Guam subsidiary.

Batay sa corporate records, lumilitaw na 0.11% ng shares sa The Medical City lamang ang pagma-may-ari ni Dr. Bengzon.

TMC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with