^

Bansa

Tolentino: Dep’t of Water Resources long term solution sa krisis sa tubig

Pilipino Star Ngayon
Tolentino: Dep’t of Water Resources long term solution sa krisis sa tubig
Bago pa man nagsimula ang El Niño at ang nararanasang matinding kakulangan sa tubig ngayon, nagbabala na si Tolentino na matindi ang magiging epekto ng krisis na ito sa kabuhayan at kalusugan ng mga Pilipino.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Patuloy ang panawagan ni dating Presidential Adviser for Political Affairs at ngayo’y kandidatong senador ng administrasyong Duterte na si Atty. Francis Tolentino na pag-ingatan ng ating mga kababayan ang kanilang kalusugan laban sa mga banta ng matinding init at kakulangan sa tubig.

Bago pa man nagsimula ang El Niño at ang nararanasang matinding kakulangan sa tubig ngayon, nagbabala na si Tolentino na matindi ang magiging epekto ng krisis na ito sa kabuhayan at kalusugan ng mga Pilipino.

“Kung matatandaan po ng ating mga kababayan, ako po ang unang bumoses sa paparating na krisis sa tubig at sa paghagupit ng El Niño.

Matagal ko na pong iminumungkahi ang pagtatatag ng Department of Water Resources Management na magiging punong ahensiya ng ating pamahalaan para sa panga­ngasiwa at pangangalaga sa tubig sa bansa, at maging sa pagharap sa mga krisis sa tubig na gaya ng nararanasan ngayon hindi lamang sa Kamaynilaan kungdi maging sa ibang bahagi ng bansa,” ani Tolentino.

Ayon pa rin sa dating kalihim, pangmatagalang solusyon ang pagkakaroon ng Department of Water Resources Management na kinakailangang maisabatas sa lalong madaling panahon. 

EL NIñO

FRANCIS TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with