^

Bansa

Autopsy sa labi ng batang binalatan balak

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Autopsy sa labi ng batang binalatan balak
Ito ang inianunsyo ni PAO Chief Persida Acosta, legal counsel ng pamilya ng biktima, dahil hindi siya kumbinsido sa latest findings ng National Bureau of Investigation sa kaso.

MANILA, Philippines — Plano ng Public Attorney’s Office (PAO) na ipa-autopsy sa kanilang mga eksperto ang labi ng batang binalatan ang mukha sa Cebu.

Ito ang inianunsyo ni PAO Chief Persida Acosta, legal counsel ng pamilya ng biktima,  dahil hindi siya kumbinsido sa latest findings ng National Bureau of Investigation sa kaso.

Paniwala ni Acosta, hindi nagtutugma ang resulta ng imbestigasyon ng  NBI at Lapu Lapu City Police hinggil sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Anya, ibinase lamang ng NBI sa circumstantial evidence ang resulta ng imbestigasyon at wala itong mga eyewitness na magdidiin sa isang salarin gayung ang resulta ng imbestigasyon ng Lapu-Lapu City Police ay batay sa testimonya ng isa umanong piping testigo na nagkuwento sa nakitang pagpatay kay Silawan.

Una nang nahuli ng NBI ang isang menor de edad na  suspek na umano’y ka-chat ni Silawan bago ito mawala noong Marso 10.

Sinabi ni Acosta na pupunta sila sa Cebu para makipag-ugnayan sa mga awtoridad at sa pamilya ng biktima.

CHRISTINE SILAWAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with