Digong nilusaw na ang Road Board

Noong 2017 ay hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na buwagin ang road board na siyang nangongolekta ng road users tax.

MANILA, Philippines — Tuluyang binuwag ni Pangulong Duterte ang Road Board matapos lagdaan nito ang bagong batas na Republic Act 11239 na lulusaw sa nasabing tanggapan na tinawag niyang corrupt na road board.

Noong 2017 ay hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na buwagin ang road board na siyang nangongolekta ng road users tax.

Nakapaloob din sa RA 11239 na, ang makokolektang road user’s tax ay mapupunta muna sa National Treasury.

Wika ng Pangulo, ang bilyong pondo na nakolekta sa road user’s tax ay napupunta lamang sa bulsa ng mga corrupt officials kaya mas mabu­ting buwagin na lamang ito. Nasa P12 bilyon ang nakokolektang road user’s tax kada taon.

Kinuwestyon din ng Commission on Audit (COA) ang nasa P90 bilyon mula sa P160 bilyon pondo nito noong nakaraang taon na pinaniniwalaang misappropriated.

Ang dapat paglaanan ng nakokolektang road user’s tax ng road board ay para sa road maintenance at improvement ng road drainage, pagla­lagay ng traffic lights, road safety devices at air pollution control.

Show comments