MANILA, Philippines — Naghain ng panukala si re-electionist Sen. Bam Aquino na layong magtatag ng Department of Water upang maiwasan na ang nangyaring water shortage na nagparusa sa libu-libong residente ng Metro Manila.
Sa kanyang Senate Bill 2216, ipinaliwanag ni Sen. Bam na nabigyang diin ang kahalagahan ng paglikha ng Department of Water, Irrigation, Sewage and Sanitation Resource Management dahil sa nangyaring water shortage sa ilang bahagi ng kamaynilaan.
Ang Department of Water ang tututok sa isyu ng tubig, irigasyon, sewage at tinatawag na sanitation resource management, kabilang ang karapatan sa tubig.
Sinabi ni Sen. Bam na palalakasin ng departamento ang pagpaplano sa mga pagkukunan ng tubig at titiyakin ang pantay at epektibong paggamit nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kasama pati irigasyon, paglikha ng enerhiya, pagsasaka, pangingisda, pati na paggamit nito sa negosyo at mga industriya.