Higit piso, dagdag presyo sa gasolina
MANILA, Philippines — Isang panibagong oil price hike ang tatama sa mga motorista sa susunod na linggo.
Malaki ang itataas sa presyo ng gasolina na maglalaro sa P1.50 hanggang P1.60 kada litro.
Ito na ang ika-6 na sunod na linggong may dagdag-presyo sa gasolina.
Nasa P0.25-P0.35/litro naman ang tinatayang dagdag presto sa diesel habang P0.40-P0.50 kada litro sa kerosene.
Isa sa unang nagpahayag ng posibleng pagtataas ang Unioil Petroleum.
Mula Enero 1 hanggang Marso 16, nasa P6.59 kada litro na ang itinaas sa presyo ng diesel, P5.99 sa gasolina at P4.17 sa kerosene.
- Latest