MANILA, Philippines — Nagbabantang pumasok ngayon sa bansa ang bagyong Chedeng.
Kahapon ng madaling araw, ang sama ng panahon ay naging isang ganap nang bagyo pero nasa labas pa ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) o nasa layong 1,595 kilometro silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras at pagbugso na aabot sa 60 kph. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 22 kph.
Wala pang direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa ang naturang bagyo na oras na pumasok sa ating bansa.