Recruitment ng NPA tatapatan ng Phil. Army

Ayon kay Phil. Army Public Affairs chief, Lt. Col. Demy Zagala, sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, ang mga kabataan ngayon ay masyadong idealistic dahilan para madaling makuha ang loob ng mga ito ng mga NPA.

MANILA, Philippines — Tatapatan ng Philippine Army ang ginagawang pagre-recruit ng New People’s Army (NPA) sa mga unibersidad sa bansa.

Ayon kay Phil. Army Public Affairs chief, Lt. Col. Demy Zagala, sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, ang mga kabataan ngayon ay masyadong idealistic dahilan para madaling makuha ang loob ng mga ito ng mga NPA.

Dahil dito ay patuloy aniya nilang isinusulong ang pagbabalik ng Reserved Officers Training Course (ROTC) na siyang tatapat sa recruitment ng NPA.

Paliwanag pa ni Zagala, ang ginagawang rec­ruitment ng NPA ay sa pamamagitan ng paninira sa gobyerno at bansa na may layuning palitan ang pamunuan sa bansa. Habang ang ROTC ay nag­lalayon na palakasin ang pagmamahal sa bayan, disiplina at pagiging makabansa.

Kaya kumpiyansa si Zagala, na sa oras na ma­ging batas ang ROTC ay tiyak na pipiliin ng mga kabataan ang pagmamahal sa bayan.

Show comments