Recruitment ng NPA tatapatan ng Phil. Army
MANILA, Philippines — Tatapatan ng Philippine Army ang ginagawang pagre-recruit ng New People’s Army (NPA) sa mga unibersidad sa bansa.
Ayon kay Phil. Army Public Affairs chief, Lt. Col. Demy Zagala, sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, ang mga kabataan ngayon ay masyadong idealistic dahilan para madaling makuha ang loob ng mga ito ng mga NPA.
Dahil dito ay patuloy aniya nilang isinusulong ang pagbabalik ng Reserved Officers Training Course (ROTC) na siyang tatapat sa recruitment ng NPA.
Paliwanag pa ni Zagala, ang ginagawang recruitment ng NPA ay sa pamamagitan ng paninira sa gobyerno at bansa na may layuning palitan ang pamunuan sa bansa. Habang ang ROTC ay naglalayon na palakasin ang pagmamahal sa bayan, disiplina at pagiging makabansa.
Kaya kumpiyansa si Zagala, na sa oras na maging batas ang ROTC ay tiyak na pipiliin ng mga kabataan ang pagmamahal sa bayan.
- Latest