MANILA, Philippines — Isusulong ng Anakalusugan Parylist na madagdagan ang minimum base pay ng mga nurses na nagtatrabaho sa bansa. Ito ay sa gitna ng pagtatalo sa Kongreso kung maaari pang maamyendahan ang Philippine Nursing Act.
“It will be a disservice to our dedicated, if not overworked, public nurses if we do not give the compensation due them,” ani Anakalusugan party-list nominee Mike Defensor.
Aniya, dapat magsulong ng bagong batas para maiangat ang sweldo ng mga nurses ng hanggang Salary Grade 15.
Una ng sinabi ni Solicitor General Jose Calida na hindi maaaring dagdagan ang suweldo ng mga nurses ng walang legal na basehan.
Sa ilalim ng section 32 ng Philippine Nursing Act of 2002 na nag-uutos na maitaas ang sweldo ng mga nurses sa salary grade 15 ay naipawalang bisa na sa 2009 joint resolution ng Kongreso.
Pero sinabi ni Defensor na magpupursige ang Anakalusugan partylist na makapagpasa ng batas na magbibigay ng maganda at tamang suweldo at allowance para sa mga barangay health workers at barangay nutrition scholars dahil mataas din ang panganib na kinakaharap ng mga ito bilang mga front liners na nag-aasikaso sa kalusugan sa mga komunidad.