ALAMIN | Apektado ng water interruption sa NCR, Rizal sa susunod na 2 araw

Bahagi pa rin daw ito ng ipinatutupad na "operational adjustments" ng Manila Water sa layuning "makapagbigay ng tubig sa kabuuan ng East Zone."
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Makararanas ng anim hanggang 21 oras na water service interruption ang ilang bahagi ng Metro Manila at probinsya ng Rizal simula ika-14 hanggang ika-15 ng Marso.

Bahagi pa rin daw ito ng ipinatutupad na "operational adjustments" ng Manila Water sa layuning "makapagbigay ng tubig sa kabuuan ng East Zone."

Ilan sa mga lungsod na maaapektuhan sa Metro Manila ay ang sumusunod:

  • Makati
  • Mandaluyong
  • Pasig
  • Pateros
  • San Juan
  • Taguig
  • Marikina
  • bahagi ng Quezon City 
  • bahagi ng Maynila

Narito ang mga espesipikong barangay na tatamaan:

Para naman sa Rizal, heto ang mga bayan na apektado:

  • Angono
  • Antipolo
  • Binangonan
  • Cainta
  • Rodriguez
  • Taytay
  • San Mateo

Narito ang mga espesipikong barangay na tatamaan:

"[K]ahit magkaroon ng tubig sa gripo ay maaaring mas mahina ito kesa sa dating nararanasan," sabi ng Manila Water sa kanilang pahayag sa Facebook.

Aniya, magtatagal pa raw ito hanggang sa mga susunod na buwan sa tag-araw.

Sinabi na ng Manila Water na mararanasan ang pagkaantala ng suplay ng tubig sa loob ng tatlong buwan.

Iniuugnay ngayon ng kumpanya ang mababang lebel ng tubig sa La Mesa dam kung kaya't mahina hanggang walang tubig sa ilang kabahayan.

"Kinakailangan tayo magreduce ng pressure o rotational na water-no water situation para ang ultimate objective kasi natin wala pong lugar na mawawalan ng tubig ng 24 hours," sabi ni Jeric Sevilla, corporate communications ng Manila Water, sa DZMM.

Ayon naman sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration, patuloy ang pagbaba ng water level sa La Mesa Dam dahil sa mataas na demand ngayong mainit ang panahon.

Gayunpaman, 97 porsyento ng suplay ng tubig ay nanggagaling sa Angat Dam at hindi sa La Mesa.

“Our main allocation is from Angat. However, our demand has outpaced our available supply, that is why we needed to get from La Mesa,” sabi ni Dittie Galang, Manila Water communications manager,

Samantala, pumayag na ang Maynilad na magbahagi ng kanilang water supply sa Manila Water para tugunan ang kakulangan.

Iniutos na ng Department of Agriculture sa kanilang regional offices na magpatupad ng "cloud seeding" operations sa Bulacan, Pampanga at Rizal para makatulong sa pagpuno ng La Mesa Dam.

Kasalukuyang nakararanas ng "weak El Niño" ang bansa.

Show comments