^

Bansa

Tulfo pinatikim ng 'dirty finger' mga nagpaparesign sa kanya; Mga manggagawa nanggalaiti

James Relativo - Philstar.com
Tulfo pinatikim ng 'dirty finger' mga nagpaparesign sa kanya; Mga manggagawa nanggalaiti
Pinagbibitiw sa pwesto si Special Envoy to China Ramon Tulfo matapos sabihing tamad ang mga Filipino construction workers.
Video grab, GMA/YouTube

MANILA, Philippines — Nagpakawala ng "dirty finger" si Special Envoy to China Ramon Tulfo sa mga grupong nananawagan ng kanyang pagbibitiw matapos tumangging humingi ng tawad tungkol sa komento niya sa mga manggagawa.

"Ito," sabi ni Tulfo habang nakaangat ang hinlalato nang kapanayamin ng GMA News sa "24 Oras."

"Bakit ako magbibitiw, wala naman akong ginawang masama?" dagdag niya.

Ipinagtanggol kasi kamakailan ni Tulfo ang pagkuha ng mga manggagawang Tsino ng bansa dahil sa pagiging "tamad" daw ng mga Pilipinong construction worker.

"You know why developers prefer Chinese workers? They’re hardworking. When Filipino workers go to a job site, that’s only when they will start preparing their tools, whereas Chinese workers are already prepared. Filipino workers always smoke and keep talking," sabi niya sa panayam ng CNN Philippines noong nakaraang Huwebes.

Noong 2018, lumabas na 52,000 Tsino ang binigyan ng alien employment permits ng Department of Labor and Employment.

Umani ng batikos mula sa iba't ibang grupo ang pahayag ni Tulfo, dahilan para manawagan ang ilang manggagawa na bumaba na siya sa pwesto.

“Marami kasi akong natatanggap sa mga developers, sa mga contractors, na tamad talaga ang Pinoy, Pinoy construction workers dito sa bansa,” sabi niya sa pagpapatuloy ng interview.

Pero paliwanag niya, hindi naman daw niya tinutukoy ang mga overseas Filipino workers ngunit ang mga nasa Pilipinas lang.

“Mabagal silang magtrabaho, puro satsat, puro daldal, ang tagal 'pag merienda.”

Bago maging special envoy, nagsilbi si Tulfo bilang broadcaster at kolumnista.

Galit ng labor groups

Samantala, lalo namang kumulo ang dugo ng kilusang paggagawa kay Tulfo, na dati nang inihalintulad siya sa pagiging special envoy ng Tsina sa halip ng Pilipinas.

Aniya, bastos at walang galang ang official.

“Di hamak na mas kagalang-galang ang manggagawang Pilipino. Ginoong Tulfo, hindi po namin papatulan ang kabastusan ninyo,” sabi ni Nagkaisa Chairperson at Labor Win senatorial bet Sonny Matula.

Gayunpaman, hindi naman daw nila ikinagulat ito.

“He has always exhibited a thug and macho persona in his TV shows. He should have stopped playing that role when he entered government. But since he clearly wants to remain a bully and continues to be unreasonable, he better pack his bags and remain in the entertainment industry or better yet, join the gang of thugs where he really belongs,” sabi ni Matula.

“If Tulfo thinks Filipino workers are too lazy, he should return to the National Treasury the P60M his siblings plundered so that the money can be used to help upgrade workers’ skills and work ethics.”

Tinutukoy ni Matula ang P60 milyong advertising contracts na nakuha diumano ng mga kapatid niya mula sa Department of Tourism, na pinamunuan noon ng kapatid na si Wanda Tulfo-Teo.

Nakita ng Commission on Audit bilang maanomalya ang nasabing kontrata.

Maliban sa mga contruction workers, may kasaysayan na rin daw si Tulfo ng pambabastos ng ilang health workers ng Philippine General Hospital.

Ganoon na lang din ang galit ng mga miyembro ng Partido Manggagawa kay Tuflo.

“Si Mon Tulfo ang totoong tamad, tamad mag-imbestiga. Where is the evidence to backup his assertion that Chinese work harder than Filipinos? Does he have a time and motion study? What is his productivity metric?” sabi ni Rene Magtubo, national chair ng PM.

Ipinagtataka rin nila Magtubo kung bakit niya ipinagtatanggol nang husto ang Tsina gayong opisyal siya ng Pilipinas.

Biro ni Magtubo, magtrabaho na lang siya para sa Tsina.

“We call on China to hire Tulfo for his good work for them once he resigns. Tulfo should have resigned yesterday if he had any sense of decency. But he doesn’t. As envoy to China, he should be protecting Philippine interests in China instead of being an apologist of Chinese investors in the Philippines,” wika niya.

Hinamon naman ng PM na maglabas si Tulfo ng "comparative study” upang paghambingin ang kasipagan ng manggagawang Pilipino at Tsino.

Ayon daw sa pag-aaral ng Department of Finance, hindi tumaas ang real wages sa bansa mula 2001 hanggang 2016 gayong tumaas naman ng 50 porsyento ang labor productivity sa Pilipnas.

“In other words, the pie has become bigger but Filipino workers have not received crumbs even. Instead, employers have greedily taken all the increase in size of the pie,” panapos ni Magtubo.

LABOR GROUPS

RAMON TULFO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with