Internal organs ng dalagitang binalatan sa Lapu-Lapu City, 'nawawala' 

Sa pinakabagong ulat ni Dr. Benjamin Lara, medico legal officer, lumalabas na tinanggalan din aniya ng dila, esophagus at trachea ang 16-anyos na si Christine Lee Silawan.
Google Maps

MANILA, Philippines — Hindi lang pagbalat ng mukha ang inabot ng isang menor de edad na church collector sa Lapu-Lapu City mula sa pumatay sa kanya.

Sa pinakabagong ulat ni Dr. Benjamin Lara, medico legal officer, lumalabas na tinanggalan din aniya ng dila, esophagus at trachea ang 16-anyos na biktima.

Aminado ang doktor na ngayon lang siya nakakita ng ganitong klaseng pagkamatay.

May tinukoy nang tatlong suspek sa pagpaslang ang Philippine National Police ngunit hindi na nagbigay pa ng detalye.

Unang ibinalita ang pagkamatay ni Silawan matapos matagpuan ang bangkay niya sa Barangay Bankal.

Pinaghinalaang hinalay ang biktima matapos makitang walang suot na pang-ibaa, ngunit lumabas sa pagsusuri ng PNP Crime Labprary-7 na walang tinamong pinsala sa ari ang bata.

Nagtamo ang biktima ng 20 saksak sa katawan. Dagdag ni Lara, tama sa leeg ang kanyang kinamatay.

Grade 9 at nag-aaral diumano sa Maribago National High School ang biktima.

Pagkundena ng CHR, faith groups

Pinaaaksyunan na ng Commission on Human Rights ang madugong insidente.

"This act desecrates human dignity and must be punished," sabi ni CHR spokesperson Jacquieline Ann de Guia sa isang pahayag nitong Lunes.

Nagpadala na ng quick response team ang CHR-Region VII para tumulong sa imbestigasyon nang mapanagot ang may sala.

"No one deserves to suffer from such violence, especially that the victim is an innocent child," dagdag ni De Guia.

Sa isang pahayag sa Facebook, kinundena naman ng Student Christian Movement of the Philippines ang dinanas ni Silawan.

"The death of [the victim] is caused by a culture of merciless killings that target the youth, women, and church workers," ayon sa kanilang paskil nitong Martes.

Ang biktima ay tumutulong sinasabing tumutulong bilang kolektor sa Sacred Heart of Jesus Parish sa Barangay Pajac, Lapu-Lapu City.

Iniulat na nag-serve pa raw si siya sa 6 p.m. mass noong Linggo bago mawala.

Aniya, hindi na raw ito kagulat-gulat lalo na't laging laman ng biro ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rape at pagpatay sa mga pari.

"As Christians, we stand with the family of [the victim] in seeking justice for their loved one. We must put pressure on public officials to hold accountable the perpetrators of this grave injustice," dagdag ng statement.

Samantala, pinangangambahan naman ng ilan na maaaring magamit ang naturang kaso para ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Inanunsyo na rin ng PNP ang P100,000 pabuya para sa mga makapagbibigay impormasyon para makulong ang mga salarin sa krimen.

Show comments