^

Bansa

MILF vice chair Jaafar pumanaw na

Philstar.com
MILF vice chair Jaafar pumanaw na
Binawian siya ng buhay bandang ala-una ng umaga sa isang ospital sa Davao City, sabi ng BTC sa isang paskil sa Facebook.
The STAR/Joven Cagande, File

MANILA, Philippines — Namatay mula sa cardiovascular disease si Ghazali Jaafar, vice chairperson ng Moro Islamic Front at chair ng Bangsamoro Transmission Commission, madaling araw ng Miyerkules sa edad na 75.

Binawian siya ng buhay bandang ala-una ng umaga sa isang ospital sa Davao City, sabi ng BTC sa isang paskil sa Facebook. Ang BTC ang bumuo ng Bangsamoro Organic Law na nagresulta sa pagkakalikha ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Si Jaafar sana ang magsisilbing speaker of the parliament ng BARMM, ayon sa The STAR.

Pakikisangkot sa laban ng Bangsamoro

Inalala ni MILF chair Al Haj Murad Ebrahim, interim chief minister ng BARMM, si Jaafar bilang masipag na "muhajid" na inilaan ang buong buhay para sa Bangsamoro. Ang mujahid ay tumutukoy sa "freedom fighter" sa Arabic.

Sumali sina Ebrahim, Jaafar at dating chief negotiator ng MILF at ngayo'y BARMM education minister Mohager Iqbal sa Moro National Liberation Front sa kanilang kabataan noong dekada '70.

Humiwalay sila sa MNLF kasama ang rebeldeng si Ustadz Hashim Salamat noong dekada '80 at itinayo ang Moro Islamic Liberation Front, na sinasabing mas relihiyoso sa nauna.

Nag-aral si Salamat ng Islamic theology sa Al-Azhar University sa Ehipto habang propesor naman ng Polilitical Science si Nur Misuari na nagtayo ng MNLF noong 1970s. 

Nagbiyakan ang dalawa dahil sa 'di mapagkasunduang mga paniniwala.

'Kawalan' sa pamunuan

Sa panayam ng ANC, sinabi ni Ebrahim na nagkasama niya si Jaafar sa pakikibaka para sa Bangsamoro sa loob ng 50 taon.

Si Jaafar ang unang chair ng MILF negotiating panel nang simulan ang usaping pangkapayapaan noong 1997 at siyang nagtahi ng tigil-putukan sa gobyerno, ani Ebrahim.

"Tinitignan namin ito bilang malaking kawalan sa pamunuan ng MILF at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Siya dapat ang inirerekomendang unang speaker ng parliament... pero ngayon, nangyari na ito... natural naman ito at dapat nating tanggapin," sabi ni Ebrahim sa Ingles.

Nagpahayag naman ng kanyang pakikiramay si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez sa naulilang pamilya ng yumaong BTC chair at miyembro ng Bangsamoro Transition Commission.

"Bilang mahusay ng lider Moro, si jaafar, ang unang vice chair ng Moro Islamic Liberation Front, ay nagpakita ng determinasyon sa pangunguna sa mga Moro sa pagpapasa at ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law, sabi ni Galvez sa Ingles, na matagal nang may kaugnayan sa proseso habang commander ng Maguindanao-based 6th Infantry Division.

"Sa kabila ng lumalalang kalusugan, ipinagpatuloy pa rin niya ang kampanya para maipasa at maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law," dagdag niya.

"Walang takot na inilaan ni Jaafar ang kanyang buhay para sa iba. Isang tunay na alagad ng kapayapaan."

BANGSAMORO TRANSITION COMMISSION

GHAZALI JAAFAR

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with