^

Bansa

Grupo nangangambang 'sinasadya' ang water shortage para magtaas ng singil

James Relativo - Philstar.com
Grupo nangangambang 'sinasadya' ang water shortage para magtaas ng singil
Sa nakukuhang reports ng mga militanteng mambabatas, tila hindi El Niño ang dahilan ng mga water interruption.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Maghahain ng resolusyon sa Kamara ang Bayan Muna party-list ngayong araw kaugnay ng nararanasang water interruptions sa Kalakhang Maynila at Rizal.

Aabot kasi ng tatlong buwan ang mararanasang pagkaantala ng suplay ng tubig ng mga Manila Water customers.

Pero sa nakukuhang reports ng mga militanteng mambabatas, tila hindi El Niño ang dahilan ng mga water interruption.

"We have been receiving reports that these water interruptions are induced as a prelude to further jacking up water rates or as a justification to push for the construction of destructive dams that will displace indigenous peoples," sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

(Nakakukuha kami ng mga ulat na sinasadya ang pagkaantala ng suplay ng tubig para gawing rason sa pagtataas ng singil o para magtayo ng mga panibagong dam na magpapalayas sa mga katutubo.)

"We have also received reports that some water tankers are charging as much as P7,000 per tanker full of water even if the water is supposed to be free," dagdag ni Zarate.

(Nakakuha rin tayo ng mga ulat na naniningil ng P7,000 ang ilang water tankers para sa punong tangke kahit na libre ito dapat.)

Naitala sa 68.93 metro ang lebel ng La Mesa Dam kahapon ng umaga, mas mababa sa critical water level na 69 metro.

Ito ang sinasabing dahilan ng Manila Water kung kaya't mahina hanggang walang tubig sa ilang mga kabahayan.

"Kinakailangan tayo magreduce ng pressure o rotational na water-no water situation para ang ultimate objective kasi natin wala pong lugar na mawawalan ng tubig ng 24 hours," sabi ni Jeric Sevilla, corporate communications ng Manila Water, sa DZMM.

Ayon kay Jason Bausa, hydrologist ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration, patuloy ang pagbaba ng water Level sa La Mesa dam dahil sa mataas na demand ngayong mainit ang panahon.

'Angat ang supplier ng NCR. Bakit may shortage?'

Ayon kay Bausa, 97 porsyento ng tubig sa Kamaynilaan ang nagmumula sa Angat dam kung kaya't wala raw dapat ikabahala.

Kaiba sa La Mesa dam, ayos pa naman daw ang water level nito sa 200.59 metro kahapon — malayo sa critical level na 180 metro.

Kaugnay ito, sinabi naman ni Dittie Galang, Manila Water communications manager, na ginagamit ang La Mesa para umagapay sa taas ng demand ng tubig.

“Our main allocation is from Angat. However, our demand has outpaced our available supply, that is why we needed to get from La Mesa,” sabi ni Galang.

(Ang numero unang pinagkukunan natin ay mula Angat. Pero nalampasan na ng demand ang ating supply kaya kailangan na nating kumuha mula sa La Mesa.)

Parte ang La Mesa dam ng Angat-Ipo-La Mesa water system. Dahil dito, posible naman daw umangat ang lebel ng tubig sa La Mesa.

"If the Angat Dam is the source of the La Mesa water shed water then why can't the dam release water so that the La Mesa dam would be above the critical level?" pagtatanong ni Neri Colmenares, Bayan Muna chairperson at Makabayan senatorial candidate.

(Kung ang Angat dam ang pinanggagalingan ng tubig ng La Mesa water shed, bakit hindi magpakawala ng tubig [mula sa Angat] para maging above critical level ang La Mesa dam?)

Aniya, ginawan na raw sana ng paraan ito buwan pa bago ngayon.

Payo ni Colmenares, bawasan ang suplay ng tubig sa mga mall, golf course, resort at mga hotel at gawing prayoridad ang mga kabahayan, ospital at eskwela.

"Ito talaga ang hirap nung prinivatize ng gobyerno ang serbisyo ng tubig, puro kita ang iniisip ng Manila Water at Maynilad hindi ang serbisyo para sa mamamayan. Dapat talaga ay muling isabansa ang serbisyo sa tubig at ikoordina sa ibang ahensya para di na uli ito mangyari," dagdag ni Zarate.

Nagpatupad din ng water interruption ang Maynilad noong ika-10 at ika-11 ng Marso ngunit naapula na ang problema.

Kasalukuyang nakararanas ng "weak El Niño" ang bansa.

Palasyo nabahala

Samantala, gumagawa na raw ng aksyon ang Malacañang tungkol sa water shortage.

"Ang alam ko yung in charge diyan, ginagawan na nila ng paraan," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing ngayong araw.

"We were informed that they are doing something about it already."

(Sinabihan kami na may ginagawa na sila tungkol dito)

Iniutos na ng Department of Agriculture sa kanilang regional offices na magpatupad ng "cloud seeding" operations sa Bulacan, Pampanga at Rizal para makatulong sa pagpuno ng La Mesa Dam.

Inaasahang makararanas ng "dry spell" ang 42 probinsya at tagtuyot sa 22 iba pa pagdating ng Abril, sabi ng PAGASA.

MANILA WATER

MAYNILAD

WATER INTERRUPTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with